Catriona Gray, maglalabas ng sariling version ng kantang Raise Your Flag

40

Kinumpirma ni 2018 Miss Universe Catriona Gray na maglalabas siya ng kaniyang sariling version ng “RAISE YOUR FLAG” (RYF).

Sa kaniyang social media, shinare ni Catriona ang mensahe sa likod ng kaniyang kanta.


Ayon sa 2018 Miss Universe, bukod sa pagtataas ng bandila ng bansa sa universal stage ay valid din ang dreams ng ating mga kababayang Pilipino at mahalaga ang boses ng bawat isa.

Kasama ni Gray sina KZ Tandingan at Kritiko sa kantang RYF na ilalabas sa May 28.

Kamakailan ay inilabas din ni Catriona ang “We’re In This Together” at “Angel Of Mine” kasama si Jay-R.

Facebook Comments