Catriona Gray, Miss Vietnam H’hen Nie – spotted sa New York

43

Muling nagkasama sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at si Miss Vietnam H’hen Nie sa New York fashion week.

Makikita sa Instagram post ni Miss Vietnam ang larawan na kasama si Cat at ang designer na si Phoung My na dating Miss New York.

Matatandaang bumisita si Miss Vietnam noong February 1 sa bansa.

Ibinahagi din ng official Miss Universe Instagram account ang larawan ng dalawang beauty queen habang nanunuod sa New York fashion show.

Facebook Comments