Catriona Gray, nagpahaging sa kanyang ex-boyfriend na si Clint Bondad

Tila ipinapasa-diyos na lamang ni 2018 Miss Universe Catriona Gray ang mga pasaring ng kanyang ex-boyfriend na si Clint Bondad.

Sa Instagram post ni Cat, ibinahagi nito ang lyrics ng religious song na “See A Victory,” partikular ang tungkol sa kadiliman na hindi kailanman magwawagi.

Matatandaan na nag-trending si Bondad nang mag-post ng ‘’creepy’’ message kung saan binanggit niya ang pangalan ni ‘’Sam’’ at pasaring na walang dapat ipag-alala ang aktor dahil ‘’ex’’ lang naman siya ni Catriona.


Say naman ng mga netizen, hindi pa talaga naka-move on si Bondad sa anim na taong relasyon nila ni Gray, na girlfriend ngayon ng aktor na si Sam Milby.

Facebook Comments