Sumabak agad sa commercial shoot si 2018 Miss Universe Catriona Gray pagdating nito ng Indonesia.
Martes ng magtungo sa Indonesia si Gray kung saan nag-post pa ito sa kaniyang Instagram story ng view ng Indonesia habang siya ay nakasakay pa sa eroplano.
Ipinost rin niya ang larawan habang nasa commercial shoot ng Vitamins suot ang kaniyang evening gown na kanyang ginamit noong December 2018 coronation.
Nabatid na itinampok din sa naturang brand ng Vitamins ang pangatlong Pinay Miss Universe na si Pia Wurtzbach noong 2015.
Facebook Comments