Tinututukan ng lokal na pamahalaan ng Umingan ang pagpapatupad ng Cattle Development Program na layong palakasin ang industriya ng baka sa bayan.
Kaugnay nito, bumisita ang technical team mula sa Department of Agriculture para sa isang briefing hinggil sa plano ng programa.
Target ng proyekto na gawing pangunahing cattle industry hub ang Umingan, kabilang ang pagtatayo ng isa sa pinakamalaking fattening feedlot sa bansa sa 1st Atkins Farms sa Barangay Flores.
Inaasahan ng lokal na pamahalaan na sa pamamagitan ng ugnayan ng pribadong sektor at mga lokal na magsasaka, mas mapapalakas ang produksyon, seguridad sa pagkain, at kabuhayan sa naturang bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








