Pinulong ng lokal na pamahalaan ng Manaoag ang mga cattle traders bilang pagpapalakas sa ekonomiya ng pagbababoy. Partikular na pinulong ang mga cattle traders mula sa barangay Baguinay.
Napag-usapan ang pagsasaayos at pagproseso ng mga papeles ng mga baka gaya ng rehistrasyon at mga sertipiskasyon na nasasaklawan ng lokal na pamahalaan ng Manaoag.
Tinalakay din ang pagbabayad para sa Certificate of Ownership at Certificate of Transfer.
Nakiusap si Manaoag Mayor Ming Rosario sa mga opisyales ng barangay Baguinay na gumawa ng isang ‘tax ordinance’ upang sila ay magkaroon din ng ‘revenue’ o kita sa mga transaction ng paglilipat ng pagmamay-ari sa mga ipinagbibiling mga baka.
Bukod dito, makakatulong ang cattle traders sa ekonomiya ng bayan sa pamamagitan ng pagpaparehistro at pagkuha ng mga kinakailangang mga sertipikasyon sa lokal na Treasury Cffice sa tulong ng Baguinay Barangay Council. |ifmnews
Facebook Comments