Cauayan airport, bukas na sa commercial flights

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na bukas na sa commercial flights ang Cauayan airport.

Gayunpaman, naghihintay pa ng abiso ang CAAP mula sa Cebu Pacific kung itutuloy nito ang kanilang flights ngayong araw sa Cauayan City.

Nilinaw naman ng CAAP na nananatiling kanselado ang non-scheduled flights sa coastal town ng Isabela.


Tiniyak naman ng CAAP na intact ang mga pasilidad ng Cauayan Airport sa harap ng patuloy na banta ng Bagyong Leon sa Northern Luzon.

Sa ngayon anila, nananatiling maulap sa nasabing lugar

Nilinaw rin ng CAAP na hindi pa rin pinapayagan ang local flights o ang paglipad nang maliliit na eroplano sa hilagang Luzon.

Facebook Comments