Cauayan City, Isabela – Muling nagbigay ng paalala ang Cauayan City Disaster Risk Reduction and Management Council sa lahat ng cauayeño na mag-ingat at maging handa sa posibleng pananalasa ng bagyong ompong.
Ayon kay ginoong Ronald Villoria, CDRRMC Officer ng Cauayan City na nararapat umano na siguraduhin ng lahat ang kanilang mga kagamitan at mga mahahalagang bagay na kakailanganin sakaling maramdaman na ang epekto ng bagyo sa lalawigan ng Isabela.
Iginiit pa ni ginoong Villoria na huwag mag-atubili ang lahat na lumikas kung sakaling may pagbaha na sa kanilang lugar.
Aniya handang handa naman na umano ang lahat lalo na ang mga rescuers team ng lungsod maging ang mga pangunahing kagamitan sa gagawing pagresponde sa mga biktima ng bagyo.
Patuloy naman umano na nakaalerto ang panig ng mga otoridad kaugnay sa kanilang mahigpit na pagpapatupad sa liquor ban at patuloy din umano ang pag-aabot ng mga ito sa lungsod.
Samantala maaari paring madaanan ang mga pangunahing tulay at daan na nasa mababang lugar sa lungsod ng Cauayan matapos magpakawala ng tubig ang Magat Dam.