Sa ating panayam kay Jail Officer 2 Gloria Foronda, duty nurse ng Cauayan City District Jail, may history ng asthma ang nasabing PDL na nahaharap sa kasong Murder.
Biyernes ng gabi nang makaranas ng hirap sa paghinga ang PDL kaya dinala ito sa Cauayan District Hospital.
Ayon sa duty Nurse, posibleng na-trigger lamang ang sakit nitong Asthma dahil sa mainit na panahon. Kaugnay nito, maayos na ang kondisyon at paghinga ng PDL subalit bilang protocol ng nasabing ospital ay kailangang sumailalim sa swab test ang pasyente na ngayo’y hinihintay na lamang ang resulta. Sinabi ni JO2 Foronda na kung magpositibo sa COVID -19 ang naturang PDL ay agad nila itong dadalhin sa isolation room maging ang mga huling nakasama nito sa bilangguan para hindi kumalat ang coronavirus.
Mensahe naman ni Foronda sa mga naiwang PDL at kapamilya na walang dapat na ipangamba lalo’t may dati ng sakit na asthma ang naturang PDL at sinisikap pa rin naman aniya ng pamunuan ng BJMP Cauayan na naalagaan ng mabuti ang mga PDL.
Sa kasalukuyan, COVID-19 Free pa rin ang Cauayan City District Jail dahil mula nang pumutok ang COVID-19 ay wala pang naitala na tinamaan ng COVID-19 sa hanay man ng mga PDL o sa mga kawani ng nasabing bilangguan.