CAUAYAN CITY DRRMO, MAGSASAGAWA NG BLOOD LETTING ACTIVITY ‎

‎Cauayan City – Nakatakdang isagawa sa ika-29 ng Hulyo ang isang blood letting activity na may temang “Give Blood, Give Hope, Give Love.”

‎Gaganapin ito sa Bamboo Hall 3rd floor Cauayan City Hall at bukas ito para sa lahat ng nais tumulong sa kapwa sa pamamagitan ng donasyon ng dugo.

‎Ang aktibidad ay inorganisa ng Cauayan City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) kasama ang Lokal na Pamahalaan at Philippine Red Cross – Cauayan Branch.

‎Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, hangad ng lokal na pamahalaan na makalikom ng sapat na dugo para sa mga pasyenteng nangangailangan, gaya ng mga may malubhang karamdaman, biktima ng aksidente, at mga sumasailalim sa operasyon.

‎Bukod sa pagbibigay ng dugo, layon din ng aktibidad na palaganapin ang kamalayan sa kahalagahan ng boluntaryong donasyon.

‎Ito ay isang paraan upang ipakita ang malasakit at pakikiisa sa kapwa, anuman ang kanilang pinagdadaanan sa buhay.

Facebook Comments