Cauayan City Health Office 1, Nagpaalala kasabay ng ‘ Oplan Balik-Eskwela 2019’

*Cauayan City, Isabela-* Kasabay ng ‘Oplan Balik- Eskwela 2019’ sa darating na Hunyo 3, 2019 ay nagpaalala ang tanggapan ng Cauayan City Health Office sa mga magulang at mag-aaral para sa pagpapanatili ng kalinisan sa katawan at sa kapaligiran.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Errol Maximo, tagapagsalita ng City Health Office 1, nagpaalala ito na ugaliing linisin ang mga lugar na maaaring pamugaran ng lamok upang makaiwas sa sakit na dengue.

Dagdag pa ni Ginoong Maximo na batay sa kanilang datos ay ‘manageable’ pa rin ang kaso ng dengue sa Lungsod subalit patuloy pa rin ang kanilang pagpapaalala sa mga Cauayenos upang makaiwas sa dengue at iba pang uri ng sakit na maaaring makuha sa maruming kapaligiran.


Patuloy rin anya ang ginagawang hakbang ng pamahalaang Lungsod sa kanilang taunang ‘fogging’ na isinasagawa sa mga paaralan at kabahayan upang higit na maiwasan ang sakit na dengue.

Facebook Comments