*Cauayan City, Isabela-* Hinihikayat ngayon ng Cauayan City Health Office ang mga pribado at pampublikong paaralan maging ang mga tanggapan ng gobyerno na makiisa sa ginagawang Zumba o “Hataw Dance Exercise” na layong makaiwas sa mga pangunahing sakit.
Una rito, nagpalabas ng kautusan na Executive Order No. 12 ang tanggapan ng Punong Panlalawigan na si Rodolfo Albano na gawin ang pagzuzumba tuwing Lunes pagkatapos ng flag raising ceremony.
Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Nurse Errol Maximo, tagapagsalita ng CHO Cauayan, hindi lang naman tanggapan ng CHO ang maaring magpatupad nito dahil katuwang naman aniya nito ang lahat ng ahensya ng lokal na pamahalaan.
Aniya, layunin nito na maiwasan ang sakit na cardiovascular disease o sakit sa puso, diabetes, sakit at sakit sa baga.
Makakatulong rin aniya ito sa kalusugan dahil pagpapawisan ang isang indibidwal na magsasagawa nito.
Hinihikayat naman ni Nurse Errol ang publiko na gawin ang nasabing Zumba Exercise o kahit anong uri ng pag eensayo upang makaiwas sa mga non-communicable disease.