CAUAYAN CITY, IDINEKLARA NANG ASF-FREE

Idineklara na ng Department of Agriculture (DA) Region 2 na ASF-Free na ang Lungsod ng Cauayan.

Ito ang kinumpirma ni City Veterinarian Dr. Ronald Dalauidao na ligtas na mula sa banta ng African Swine Fever (ASF) ang Cauayan City dahil wala nang naitatala na panibagong kaso nito sa loob ng mahigit isang taon.

Ayon pa sa kanya bago maideklarang ASF Free ang lungsod ay sumailalim muna ito sa maraming proseso.

Sinabi rin ni Dalauidao na ligtas at maaari nang mag-alaga ng baboy sa Lungsod subalit kinakailangan pa ring sumunod sa wastong pag-aalaga.

Paalala naman niya sa mga mag-aalaga muli ng baboy na makipag-ugnayan muna sa City Veterinary Office para maturuan kaugnay sa bio-security measures at tamang pagtatayo ng kulungan ng baboy.

Facebook Comments