Cauayan City, Inilagay sa “Critical” Epidemic Risk Classification dahil sa COVID-19

Cauayan City, Isabela- NaKategorya ng Department of Health Region 2 sa “critical” epidemic risk classification ang Cauayan City sa Isabela dahil sa dumaraming kaso ng mga tinamaan ng COVID-19.

Base sa datos ng ahensya, umabot sa 2,645 ang total cases sa lungsod batay sa pinakahuling tala habang 181 cases ang naitala sa nakalipas na dalawang linggo (July 28-August 10, 2021) at 49 naman sa nakalipas na 3-4 weeks (July 14-27, 2021).

Sa Growth in cases, nakapagtala ng 269.39% ang kaso sa lungsod mula sa 138,317 2021 population, katumbas naman ito ng 9.35% Average Daily Attack Rate (ADAR) mula sa 100,000 population.


Bukod dito, nakategorya naman sa “high” epidemic risk classification ang City of Ilagan matapos maitala ang 3.63% na Average Daily Attack Rate (ADAR).

Samantala, nananatili sa “high” epidemic risk classification ang Cagayan province kabilang ang Tuguegarao City habang moderate naman ang Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino at Santiago City.

Nasa “minimal” classification naman ang lalawigan ng Batanes.

Facebook Comments