Cauayan City-Isabela, Top 7 sa Most Improved Cities sa Bansa!

*Cauayan City, Isabela- *Malaki ang naging pasasalamat ni City Mayor Bernard Dy dahil kabilang sa Top 10 Most Improved Component and Independent Component Cities ang Lungsod ng Cauayan sa buong bansa.

Ayon kay City Mayor Bernard Dy, base sa Local Governance Regional Resource Center ng DILG kasama ang iba’t-ibang mga ahensya, nasa Top 7 ang Lungsod ng Cauayan sa mga Most Improve Cities sa bansa dahil nagawa umano ng ating lungsod ang mga batayan upang makamit ang nasabing parangal.

Ayon pa sa alkalde, malaki ang kanyang pasasalamat dahil nabigyan umano ng pagkilala ang ating Lungsod subalit hangad pa umano ng alkalde na maging most competitive City ang lungsod ng Cauayan.


Bibigyan rin umano nila ito ng pansin sa susunod na taon upang makamit ang pagiging most competitive city sa bansa at kumpiyansa rin ang alkalde dahil malaki umano ang tsansa ng ating lungsod na maabot ito.

Naging batayan umano ng Local Governance Regional Resource Center ng DILG upang mapabilang sa Most Improved Component and Independent Component Cities ang Lungsod ng Cauayan ay dahil sa paglago nito sa pamamagitan ng mga dami ng mga naipapatayong imprastraktura na siyang pagdami rin ng mga negosyante sa lungsod, magandang performance ng mga LGU’s at pagiging isang matatag na Lungsod sa bansa.

Facebook Comments