*Cauayan City, Isabela- Bagamat isinailalim na sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang Lalawigan ng Isabela hanggang sa July 15, 2020 ay mananatili pa rin ang mahigpit na pagpapatupad sa mga protocols laban sa COVID-19 ang Lungsod ng Cauayan.*
*Sa public address ni City Mayor Bernard Dy sa pamamagitan ng facebook live, mas relax o mas maluwag na ang pagpapatupad sa mga alituntunin sa *mga lugar na nasa *ilalim ng MGCQ subalit mayroon pa rin aniyang mga restriksyon at limistasyon sa mga galaw ng tao maging sa operasyon ng mga industriya.*
*Sa ilalim ng MGCQ, sinabi nito na mahigit pa rin ang pagpapatupad sa mga health protocols gaya ng pagsusuot ng facemask o anumang protective equipment tuwing lalabas ng bahay.*
*Magsisimula na ang curfew mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga samantalang mananatili pa rin ang curfew para sa mga nasa edad 20 pababa, senior citizens, mga buntis at mga may sakit o nasa high risk.*
*Pinahihintulutan lamang na lumabas ang mga senior cirizens kung papasok sa trabaho, bibili ng pagkain, gamot o basic necessities kung walang ibang kasama sa bahay.*
*Para naman sa mga Authorized person na lumabas ng bahay ay kinakailangang magdala ng valid ID bilang patunay na empleyado o kabilang sa mga taong pinapayagang lumabas.*
*Pinapayagan nang magbukas ang mga barber shops, salon, dine-in restaurants, food stablishments subalit nasa 50 porsiyento lamang ang dapat na kapasidad nito. *
*Exetended na rin ang operasyon ng mga dine-in restaurants hanggang alas 9:00 ng gabi habang ang ibang mga establisyimento ay dapat nakasara na sa oras na alas 7:00.*
*Maaari na rin magbukas ang mga gym, fitness studios, cinemas, libraries at travel agencies subalit kinakailangan din na sumunod sa mga protocols ng DTI at ipatupad ang pagsasagawa ng public health standards.*
*Pinapayagan rin ang anumang uri ng pag-eehersisyo maliban sa paglalaro ng basketball o volleyball.*
*Kabilang rin sa mga pinayagan magbukas ang mga computer shop at internet café subalit kailangan din na magsagawa ng polisiya, disinfection at pamamaraan upang maobserbahan pa rin ang social distancing.*
*Pinapayuhan naman ang mga may-ari ng net shop na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng mga nasa edad 20 pababa dahil kung napatunayang lumabag ang owner ay maaaring magsilbi ito sa pagpapasara sa establisyimento.*
*Pinapayagan na rin ang limited face to face classes sa mga higher education institution alinsunod sa inilabas na guidelines ng CHED subalit mahigpit pa rin na ipagbabawal ang mga aktibidad na magkukumpulan ang mga estudyante o mass gathering.*
*Pinapayagan na rin ang pagbiyahe ng ilang pampublikong transportasyon subalit antayin muna ang guidelines at schedules na ilalabas ng LTFRB at LTO.*
*Tags: 98.5 ifm cauayan, ifm cauayan, cauayan city, isabela, luzon, *Modified General Community Quarantine (MGCQ), LTFRB, LTO, City Mayor Bernard Dy,