Cauayan City, Mas Tahimik na kaysa dati- PSI Esem Galiza!

Cauayan City, Isabela- Mas tahimik na umano ang Cauayan City kaysa dati dahil sa puspusang kampanya ng kapulisan sa Cauayan City kontra Iligal na droga, ito ang ibinahaging impormasyon ni Police Senior Inspector Esem Galiza sa naging talakayan sa Sentro Serbisyo ng RMN Cauayan.

Ayon kay PSI Galiza, kung ikukumpara noong nakaraang taon ay mas mababa na umano ngayon ang bilang ng mga naaaresto sa paglabag ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Aniya, batay umano sa kanilang monitoring ay nasa apat hanggang limang katao noong nakaraang taon ang naaaresto bawat buwan samantalang ngayong taon mula buwan ng enero hanggang marso ay nasa lima nalang ang kanilang mga nahuhuli.


Dagdag pa ni PSI Galiza ay mayroon din umanong mga nahuhuling poseur, mga kagawad mula sa lungsod at sa ibang mga lugar.

Samantala, pitong barangay na din sa lungsod ng Cauayan ang idineklara bilang Drug Free at may mga nakasalang pang barangay na para sa validation ng PDEA bago muli maideklara itong drug free barangay.

Facebook Comments