Cauayan City, Muling Nakapagtala ng 119 na New COVID-19 Cases

17

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala muli ng karagdagang 119 na positibong kaso ang Lungsod ng Cauayan.

Ayon sa City Health Office, hinihintay pa sa kasalukuyan ang kanilang mga CV Codes mula sa DOH-Region 2.


Pumalo na rin sa 355 ang kabuuang bilang ng positibong kaso ng Covid-19 sa Lungsod.

Ayon pa sa CHO, household transmission ang dahilan ng mabilis na pagdami ng positibong kaso sa Lungsod na kung saan karamihan sa mga nagpositibo ay magkakapamilya.

Ipinaliwananag ng tanggapan na nangyayari ito kung may isang kapamilya na lumabas ng bahay at nadapuan ng virus, at kaniyang naipasa sa kaniyang mga kapamilya.

Facebook Comments