CAUAYAN CITY, NAKAPAGTALA NG 66 BAGONG POSITIBO AT 1 NASAWI NGAYONG ARAW

16

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ngayong araw, April 9, 2021 ng 66 new COVID-19 cases ang Lungsod ng Cauayan at isang positibo na nasawi.

Sa datos na ibinahagi ng Cauayan City Health Office, hinihintay na lamang ang mga CV codes ng mga bagong positibong kaso at ng naitalang mortality mula sa DOH Region 2.


Sa kasalukuyan, pumalo na sa 263 ang bilang ng aktibong kaso sa Lungsod.

Napag-alaman na hawaan ng mga magkaka-pamilya ang dahilan ng mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID sa Lungsod.

Muling nagpaalala ang lokal na pamahalaan ng Cauayan na manatili lamang sa loob ng bahay at lumabas lamang kung kinakailangan at sundin ang minimum health protocols.

Facebook Comments