Cauayan City,Isabela- Kabilang na ang Cauayan City sa ‘ High Epidemic Risk Classification’ ng buong Cagayan Valley, kasama ang lalawigan ng Cagayan at Nueva Vizcaya.
Sa datos ng Department of Health Regional Office No. 2, nananatili sa ‘HIGH’ na kategorya ang Epidemic Risk Classification ng buong Rehiyon Dos.
Ibig sabihin, mataas ang Average Daily Attack Rate (ADAR) o bilis ng pagdapo ng virus sa buong rehiyon sa nakalipas na dalawang linggo.
Habang nasa ‘MODERATE’ classification naman ang lalawigan ng Isabela.
Bumaba naman sa moderate ang Tuguegarao City.
Maliban dito, naikategorya sa LOW status ang lalawigan ng Quirino kabilang ang Santiago City at City of Ilagan.
Nananatili namang nasa ‘MINIMAL’ classification ang lalawigan ng Batanes.
Samantala, pinapaalalahanan pa rin ng kagawaran ang lahat na sumunod sa mga minimum health protocol.