Cauayan City National High School, Nakiisa sa Pagdiriwang ng National Teacher’s Month!

*Cauayan City, Isabela-* Nakikiisa ang Cauayan City National High School sa pagdiriwang ng National Teacher’s Month na nagsimula pa noong Setyembre 5 at magtatapos hanggang Oktubre 5, 2019 upang bigyang pagpupugay ang mga nai-ambag ng mga guro sa lipunan lalo na sa mga mag-aaral.

Mayroon nang nakahanay na aktibidad para sa mga guro na inorganisa ng mga mag-aaral mula sa Cauayan City National High School gaya ng ‘Little Teacher’ na isasagawa sa unang araw ng buwan ng Oktubre.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Primitivo Gorospe, School Principal ng nasabing paaralan, marapat lamang na bigyan ng pagkilala ang mga guro dahil sa ambag nito sa lipunan at para sa ikaatuto ng mga mag -aaral.


Aniya, isang mahirap na trabaho sa bansa ang pagiging isang guro ngunit dahil sa kanilang dedikasyon ay nagpapatuloy pa rin sila sa pagtuturo dahil nais ng mga ito na maibahagi ang kaalaman sa mga mag-aaral.

Hinihikayat naman ni Ginoong Gorospe ang mga guro na ipagpatuloy ang kanilang maayos na tungkulin maging sa mga mag aaral na sikapin din ng mga ito na mag-aral ng mabuti upang magkaroon ng magandang kinabukasan.

Facebook Comments