Cauayan City, Patuloy na Umaani ng Medalya sa CAVRAA 2018!

Tuguegarao, City – Masayang ibinahagi ni Cauayan City Delegation Official Rene Tababa ang resulta ng kanilang mga award sa mga palaro sa CAVRAA kahapon, Pebrero 26, 2018.

Batay sa pinakahuling resulta ganap alas kuwatro y medya kahapon, nakakuha na ang Cauayan City delegation ng 5-golds, 1-silver at 4-bronzes sa elementary division kung saan dalawa dito ay mula sa Special Event na nilahukan ng mga PWD’s.

Samantala, wagi rin ng 4-silvers at 5- bronzes ang nasabing delegasyon sa secondary division.


Ang mga medalyang ito ay nakuha ng mga atleta ng Cauayan City sa mga palarong Arnis, Booce, Taekwondo, Tennis at Special Events.

Ayon kay Ginoong Tababa, ang resultang ito ay nakabase sa mga dumarating na records ng mga manlalaro mula sa mga nangangasiwa ng palaro.

Umaasa naman ang Cauayan City delegation na ngayong araw ay madaragdagan ang bilang ng medalyang nakuha ng kanilang mga pambato.

Facebook Comments