Nakiisa ang Cauayan City Police Station sa Simultaneous Grand Launching ng “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA)” bilang suporta sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.
Ang BIDA program ay isang nationwide advocacy program ng Marcos Administration na naglalayong itaas ang kamalayan at hikayatin ang partisipasyon ng komunidad.
Katuwang ng kapulisan ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno gaya ng BJMP, PNP-Regional Training Center 2, DILG, Cauayan City Advocacy Support Group, CVR8 Isabela Icon Eagles Club, KKDAT at Religious Sector.
Patuloy na binibigyang-diin ng BIDA Program ang pinaigting at mas holistic na kampanya laban sa iligal na droga upang mabawasan ang demand ng droga sa mga komunidad na binibigyang-diin ang Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), National Bureau of Investigation (NBI), at iba pang ahensya ng patuloy na misyon ng gobyerno sa giyera kontra droga.
Facebook Comments