Cauayan City Police Station, Mayroon nang Bagong Hepe

Cauayan City, Isabela – Personal na pinangunahan nina Cauayan City Mayor Bernard Faustino M. Dy at PNP Isabela Provincial Director PCol James M. Cipriano ang turning over ng bagong Hepe ng PNP Cauayan City.

Sa isinagawang seremonya ng pagsasalin sa kapangyarihan sa Cauayan City Parish Pastoral Center ngayong araw, Hulyo 5, 2021 ay buong puso itong tinanggap ng Bagong hepe na si PLt. Col Sherwin Cuntapay ang kapangyarihan mula kay PLt. Col Gerald Gamboa.

Kasabay ito ang pagtiyak na gagawin ang lahat para lalo pang makapag silbi ang kapulisan sa mamamayan.


Tiniyak pa ng Bagong hepe na walang lugar ang katiwalian sa kanilang hanay.

Si Cuntapay ay nagsilbi bilang pinuno ng 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company (IPMFC).

Facebook Comments