CAUAYAN CITY PS, ITINANGHAL BILANG 1ST RUNNER UP BEST WCPD SA REGION 2

Cauayan City – Itinanghal bilang 1st Runner Up sa Best Women and Children Protection Desk 2024 sa buong lambak ng Cagayan ang Cauayan Component City Police Station.

Personal na tinanggap ni Police Major Esem A. Galiza, WCPD Officer at Deputy Chief of Police ng Cauayan City PS ang nabanggit na parangal.

Ang award na ito ay isang patunay na ginagawa ng kapulisan ng Cauayan City ang lahat ng kanilang makakaya upang protektahan ang karapatan ng mga bata at kababaihan sa pamamagitan ng kanilang mga best practices.


Isa rin itong patunay na epektibo at tagumpay ang ginagawang pagtutulungan ng kapulisan, komunidad, LGU Cauayan, GAD Focal Point System ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Cauayan, at mga stakeholders upang mapanatiling payapa, ligtas at malaya sa karahasan ang lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments