Cauayan City – Patuloy ang pagbibigay paalala ng Cauayan City Police Station sa publiko kaugnay sa mga ipinagbabawal na paputok.
Tuwing panahon ng kapaskuhan at bagong taon, nakasanayan na ng mga Pilipino ang paggamit ng paputok bilang parte ng selebrasyon.
Gayunpaman, inilabas na sa publiko ang mga paputok na ipinagbabawal gamitin kabilang na ang Watusi, Piccolo, Poppop, Fivestar, Pla-pla, Lolo Thunder, Giant Bawang, Kwiton, Atomic Bomb, Goodbye Delima, Atomic Triangle, Goodbye Bading, Goodbye Columbia, Goodbye Philippines, Good Bye Napoles, Super Yolanda, Mother Rockets, King Kong, Super lolo, Giant Wistle Bomb, Large Size Sinturon ni Judas, Tuna, Bin Laden, Coke-In-Can, Pillbox, Kabasi, Special, at Goodbye Chismosa.
Ang mga nabanggit na paputok ay lubhang mapanganib kaya naman mahigpit itong ipinagbabawal na ibenta at gamitin.
Samantala, patuloy rin na pinapaalalahanan ng kapulisan ang publiko na mag-ingat at huwag mabiktima ng mga modus na maaring talamak sa mga panahong ito.