Cauayan, Isabela – Nakaalerto ang pamunuan ng rescue 922 sa pangunguna ni rescue 922 Chief Ronald Viloria, kung sakaling kailangan ilikas ang ilang pamilya na iniaaabot ng tubig baha, partikular na ang mga nakatira malapit sa Alicaocao Bridge at Sipat Bridge.
Nagpalabas narin ng abiso ang pamunuan ng National Irrigation Administration o NIA sa mga mamamayan na naktira malapit sa ilog magat na ang kanilang tanggapan ay magpapakawala ng tubig mula sa magat reservior anumang oras mula ngayon.
Muling ipinabatid na iwasan ang pagtawid o pananatili sa tabi ng ilog dahil ito ay mapanganib.
Kaugnay nito sinuspinde ni Gobernor Faustino Bojie Dy III ang klase sa lahat ng antas mula preschool hanggang kolehiyo.
Ipinapairal rin ang “No Sail, No Fishing Policy” sa apat na coastal town ng Isabela na kinabibilangan ng Palanan, Divilican, Maconacon, at Dinapigue.
Samantala, patuloy na nakakaranas ang lungsod ng Cauayan na mahina at pahintohintong pag buhos ng ulan.