CAUAYAN CITY VET OFFICE, MAY APELA SA MGA MAY ALAGANG ASO

Cauayan City, Isabela- Muling nananawagan ang pamunuan ng Cauayan City Veterinary Office sa lahat ng mga pet lovers na tignang mabuti ang mga alaga o huwag hayaang nakagala lamang sa labas ng bahay o compound.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay City Vetenarian Ronald Dalauidao, maging responsable sana aniya ang lahat ng mga may-alagang aso o pet animals para maiwasan ang pangangagat ng mga ito at ng maiwasan rin na makakuha ang mga ito ng kanilang sakit.

Dapat aniya na nakatali ang mga alagang aso para iwas kagat sa ibang tao at maiwasan din ang disgrasya sa mga motorista. Bukod dito ay para maiwasan ang pagkakalat ng mga aso sa mga basura lalo na sa mga nasa gilid ng lansangan.

Sinabi ni Dr. Dalauidao na base sa kanilang monitoring ay marami pa rin ang mga napapabayaan o mga galang aso sa Lungsod.

Samantala, inihayag ni Dalauidao na pansamantala muna nilang itinigil ang paghuli sa mga stray dogs o animals dahil kailangan muna nilang irehistro ang gagamiting impounding facility sa DA Region 2.

Ayon pa kay Dalauidao, ang mga unang nakuha o nahuling aso sa Lungsod ng Cauayan ay naipamigay na sa mga pet lovers at sa mga naghahanap ng alagang aso kaya wala ng aso ngayon sa kanilang pangangalaga.

Facebook Comments