CAUAYAN CITY WAGING 2019 MOST BUSINESS FRIENDLY SA BUONG BANSA!

50

*Cauayan City, Isabela*– Walang pagsidlan ng kaligayahan ang pamahalaang lokal ng lungsod ng Cauayan matapos silang tanghaling Most Business Friendly sa buong bansa sa katatapos na 45th Philippine Business Conference and Expo.

Ipapasakamay at tatanggapin ng LGU Cauayan City ang pagkilala sa October 17, 2019. Personal na si Pangulong Rodrigo Duterte ang magbibigay ng parangal.


Sa naging pagpapahayag ni City Mayor Bernard Dy, kanyang binigyan diin na isa itong pagkakataon parasa lungsod. Magsisilbi itong tulay para mas lalo pang mapansin ng mga negosyante ang Lungsod ng Cauayan na magdudulot ng ibayong pag-angat ang ekonomiya nito.

Dagdag pa ng punong lungsod na malaking bagay ito para mas makahikayat pa ng maraming investors na magnenegosyo sa lungsod. Pangunahing mabibiyayaan dito aniya ay ang mga mamamayan lalo na ang mga nagtapos ng kurso dahil hindi na nila kailangang magtungo sa malayong lugar para maghanap ng trabaho.

Taong 2014 nang unang sumali ang lungsod sa patimpalak na ito at mula noon ay hindi na nawala sa listahan ng finalist ang Cauayan City.

Ayon pa kay Mayor Dy, sa Oktubre 17, 2019 ay napili rin ang lunsod na magprisinta ng best practices nito sa Sustainable City Summit na gaganapin sa Metro Manila.

Maliban sa Cauayan City naging finalist din ang City of Ilagan sa kategoryang kinabibilangan nito. Mahigit 100 entries ang nagtunggali sa nasabing award.

Facebook Comments

From Advertisers