Ayon sa hepe, sa kasagsagan ng kampanya, very smooth pa rin naman ang ginagawang kampanya ngayon ng mga magkakatunggaling kandidato at wala pa namang naiulat na nagkainitan ng ulo o anumang mabibigat na insidente na may kaugnayan sa eleksyon.
Bagamat walang itinuturing na election hotspots o areas of concerns sa Lungsod, pinatututukan pa rin ng POSD at PNP Cauayan ang mga malalayong barangay o nasa forest region para matiyak ang seguridad at kaayusan sa lugar hanggang sa matapos ang eleksyon.
Umaasa naman ang Hepe na mapanatili ang maayos at payapang sitwasyon ng Lungsod hanggang sa mismong araw ng botohan. Narito ang bahagi ng pahayag ni Posd chief Pilarito Mallillin.
Samantala, nagpaalala rin si Posd Chief Pilarito Mallillin sa mga boboto sa May 9 na piliing mabuti ang mga taong iluluklok sa pwesto at huwag rin ibenta ang boto.