CAUAYAN DISTRICT HOPISTAL, NAKAPAGTALA NG 11 COVID-19 POSITIVE NA PASYENTE

May labing isang (11) pasyente ang na-admit ngayon sa Cauayan District Hospital dahil sa sakit na Covid-19.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Dr. Rhoda Jacqueline Gaffud, Chief of Hospital Cauayan District Hospital, mula sa 20 na katao, may 11 na kumpirmadong tinamaan ng Covid-19 matapos magpositibo sa RT-PCR test.

May siyam namang probable suspect rin mula sa lungsod ng Cauayan ang naitala.

Ang mga positibong pasyente ay nakakaranas ng mga sintomas katulad ng lagnat, pagkahilo, ubo, sakit sa lalamunan at diarrhea.

Samantala, isang bantay lamang bawat pasyente ang pinapayagan.

Nasa 7 hanggang 10 araw ang isolation period ng mga pasyenteng may mild na sintomas.

Ang pasyente naman na hindi pa kumpleto ang bakuna ay kinakailangang manatili ng 10 araw at higit pa depende sa kanilang kondisyon.

Hinikayat naman ni Dr. Gaffud, ang publiko na magpabakuna laban sa Covid-19 para magkaroon ng dagdag na proteksyon laban sa virus.

Dagdag niya, ang mga nagpopositibo sa Covid-19 ngayon ay ang mga di nabakunahan.

Patuloy naman ang kanilang vaccination tuwing araw ng Martes na nagsisimula ng 1:00 ng hapon para sa mga edad 12 to 17 at pataas habang tuwing araw naman ng Huwebes ang schedule ng pagbabakuna sa mga 5 hanggang 11 taong gulang.

Facebook Comments