Cauayan District Hospital Humingi ng Paumanhin sa Pasyenteng Buntis!

*Cauayan City, Isabela – *Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng Cauayan District Hospital kaugnay sa ‘di magandang pagtrato ng kanilang empleyado sa isang pasyenteng buntis noong Disyembre 25, 2018.

Ito ay matapos idulog sa himpilan ng RMN Cauayan ng isang ginang ang pagtatalak ng isang empleyado ng naturang hospital hinggil sa pagbubuntis nito sa edad na 40 anyos.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Dr. Harrison Alejandro, Chief ng Cauayan District Hospital, nagkaroon lamang umano ng miscommunication ang ginang at ang kanilang empleyado.


Aniya, sa mga pasyenteng buntis nasa edad 35 anyos pataas ay mapanganib o napakadelikado na dahil sa mataas ang tiyansa na magkaroon ng kumplikasyon ng kanilang pagdadalang tao.

Dagdag pa ni Alejandro tuloy ang kanilang programa sa pagbibigay kaalaman sa mga kababaihan hinggil sa pagbubuntis at panganganak para maiwasan ang mga kumplikasyon.

Samantala, humingi naman ng paumanhin ang Chief sa iba pang mga pasyente na nakaranas ng hindi magandang pakikitungo ng kanilang empleyado, at kanyang tiyaking gagawin ang kanilang makakaya para hindi na maulit ang mga ganitong pangyayari.

Facebook Comments