Cauayan District Hospital, Limitado na ang Pagtanggap ng Emergency Cases

Cauayan City, Isabela- Lilimitahan na ang pagtanggap ng Cauayan District Hospital sa mga emergency cases matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilan sa mga empleyado nito.

Magsisimula ngayong araw, September 17, 2021 hanggang September 24, 2021 ang pag-iistrikto ng nasabing ospital para na rin sa ginagawang contact tracing at malawakang RT-PCR testing.

Nabatid na labing tatlo (13) sa mga empleyado ay nagpositibo sa COVID-19 habang nasa labing apat (14) ang nakitaan ng sintomas.


Sa kabila nito, magpapatuloy pa rin ang operasyon ng Admin office, laboratory at Pharmacy para makapagbigay pa rin ng serbisyo.

Facebook Comments