CAUAYAN NORTH CENTRAL SCHOOL, BACK-TO-BACK ANG PANALO SA JINGLE COMPETITION

CAUAYAN CITY – Dinagsa ng mga tao ang Grand Finals ng Jingle Competition na ginanap kagabi, ika-17 ng Disyembre, sa City Hall ng Cauayan City, Isabela.

Suot ang makukulay na costume ay nagpakitang gilas sa pagkanta at pagsayaw ang tatlong (3) grand finalists ng nabanggit na kompetisyon.

Back-to-back ang panalo ng Cauayan North Central School nang muling tanghaling grand winner sa kompetisyon, kung saan ay nakatanggap sila ng P35,000 bilang premyo.

1st Runner-up naman ang Dabburab-Baringin Elementary School na may P30,000 habang 2nd runner up naman ang Cauayan South Central School na may premyong P25,000.

Maliban dito, pinarangalan rin ang mga nanalo sa iba’t ibang kompetisyon tulad ng Paskulubong, Decoration Contest, at iba pa.

Samantala, nagdulot naman ng tuwa at saya sa mga manonood ang mga komedyanteng sina Inang Gwada at Amazing Sassa habang nakikanta naman ang mga tao sa bandang The Shortnoticed.

Ang Jingle Competition ay bahagi ng Paskuhan sa Cauayan 2024 ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments