CAUAYAN CITY- Nagsagawa ng oryentasyon ang Cauayan Water District sa sa mga nais magkaroon ng suplay ng tubig sa Brgy. Andarayan, Cauayan City, Isabela.
Sa panayam ng IFM News Team kay Engr. Artemio Quintero, General Manager ng Water District, tinatayang nasa isang daang indibidwal ang dumalo sa naturang oryentasyon kung saan target ng kanilang hanay na mabigyan ng koneksyon ang isang daan at animnapung kabahayan.
Aniya, napakahalaga para sa mga nais magpakabit ng tubig ang pagdalo sa kanilang oryentasyon dahil isa ito sa mahahalagang requirement upang mabigyan ng koneksyon.
Dagdag pa niya, malaking tulong para sa mga residente ang expansion na ito dahil madalas nakakaranas ng pagbaha ang lugar na ito at tanging balon lamang ang kanilang pinagkukunan ng malinis na tubig.
Samantala, hinihikayat naman ni Engr. Quintero ang mga bigong makadalo na magtungo lamang sa kanilang opisina tuwing Huwebes para sa oryentasyon.