CAUAYEÑO BRO ED SCHOLARS, TATANGGAP NG SCHOLARSHIP ALLOWANCE

Cauayan City – Matatapos na ang matagal na paghihintay ng mga BRO for Education Scholars sa lungsod ng Cauayan dahil sa inilabas na schedule ng kanilang Scholarship Allowance Pay out.

 

Sa inilabas na anunsyo ng BRO for Education, nakatakdang maganap ang scholarship payout sa FLDY Coliseum ngayong araw, ika-6 ng Agosto.

 

Ang nabanggit na payout ay ang scholarship allowance ng mahigit 3,000 na estudyanteng Cauayeño noong 2nd Semester ng Academic Year 2022-2023, at 1st semester ng Academic Year 2023-2024.


 

Magsisimula ang pamamahagi ganap na alas siyete ngayong umaga kung saan pinapayuhan ang mga scholars na magdala ng kanilang certificate of scholarship, school ID o kahit anong valid ID, at sariling ballpen.

 

Samantala, makikita naman ang listahan ng mga tatanggap ng allowance sa link na inilabas sa official Facebook page ng BRO for Education.

Facebook Comments