CAUAYEÑO SENIOR CITIZENS, TUMANGGAP NG CASH INCENTIVES

Cauayan City – Namahagi ng cash incentives ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Cauayan sa mga Senior Citizens mula sa lungsod noong araw ng sabado, ika-24 ng Agosto.

Anim na Cauayeño Senior Citizens na mula sa iba’t-ibang barangay ang nakatanggap ng cheke na nagkakahalaga ng P10,000 bawat isa.

Ang insentibong ito ay inihandog bilang Centenarian Cash Gift para sa mga Senior Citizens na naabot na ang edad na 90 at pataas.


Samantala, pinangunahan naman ni Cauayan City Mayor Hon. Jaycee Dy ang pamamahagi ng Cash Incentives sa mga benepisyaryo kasama rin ang mga City Officials sa lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments