Cauayeño na Hindi Tumanggap ng SAP Assistance, Hinimok na Magpalista sa Kapitan

Cauayan City, Isabela- Hinikayat ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa lungsod ng Cauayan ang pagpapalista ng mga pangalan para sa mga apektadong indibidwal o pamilya na hindi nakatanggap ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) mula sa mga ahensya ng gobyerno.

Ayon kay Lolita Menor, City Social Welfare Officer, sinimulan ng manghingi ng mga dagdag na listahan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) region 2 para sa nasabing pagbibigay ng ayuda.

Ito aniya yung mga taong hindi nakakuha ng ayuda sa ilang ahensya ng gobyerno gaya ng DOLE, SSS, at iba pa.


Hinimok din ng opisyal ang publiko na bukas ang kanilang tanggapan para sa mga hinaing may kaugnayan sa pamamahagi ng SAP ngayong asahan na ang pagtanggap ng tulong pinansyal.

Paalala naman nito sa mga opisyal ng barangay na gawin ng tama ang tungkulin para maiwasan na humantong sa kahit anong isyu.

Facebook Comments