Manila, Philippines – Magpapatawag ng ‘caucus’ si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng PDP-Laban.
Kasunod ito ng paglutang ng isang grupong nagpapakilalang “genuine” na PDP-Laban na pinangungunahan ni Atty. Rogelio Garcia kung saan pinatalsik nila si dating Senate President Koko Pimentel bilang chairman habang hinalal ding auditor ng partido si Special Assistant to the President (SAP) Bong Go.
Ayon kay Special Assistant to the President Bong Go, binanggit na niya kay Pangulong Duterte ang pagkakaroon ng dalawang paksyon sa PDP-Laban.
Sisikapin aniya ni Duterte na pag-isahin at pagbatiin ang dalawang paksyon lalo at sila ang nagsuporta sa kanya sa pagkapangulo.
Nakausap na ni Go si Atty. Garcia at Senador Pimentel na sumang-ayon sa ipapatawag na caucus.