Binuksan na ng Diocese of Isabela ang “cause of beatification” o ang unang yugto para sa pagiging santo ng isang paring dinukot, tinorture at pinatay ng mga Abu Sayyaf 21 taon na ang nakalipas.
Ayon kay Isabela Bishop Leo Dalmao, ibinigay ni Fr. Rhoel Gallardo na isang misyonerong pari ang kaniyang buhay para sa paglilingkod sa Diyos at sa kapwa.
Inihalimbawa ng obispo na kahit na nasa kamay sila ng mga Abu Sayyaf ay nagpakita pa rin ito ng pag-aalala sa mga kasamang dinukot kabilang ang mga guro at mga batang estudyante.
Nasawi si Gallardo noong Mayo 3, 2000 matapos ang naging engkwentro sa pagitan ng mga teroristang grupo at ng mga otoridad.
Facebook Comments