Cavite governor, dinepensahan si Lacson hinggil sa usapin na wala itong nagawa para sa bansa

Dinepensahan ni Cavite Governor Jonvic Remulla si Partido Reporma Chairman at standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson kaugnay sa usapin na walang nagawa ang presidential bet para sa bansa sa tagal nito sa serbisyo publiko.

Ayon kay Remulla, hindi makatarungan na tawaging puro salita at kulang sa gawa ang mambabatas na nagsilbi ng 50 taon sa serbisyo publiko mula sa law enforcement, legislation, at humanitarian work.

Dagdag pa ng gobernador na hindi pag-endorso ang kaniyang pahayag dahil malaya ang mga Caviteno voters na pumili kung sinong kandidato ang iboboto nila ngunit bilang kamag-anak, kalalawigan at kapwa Imuseño Caviteño ay nararapat lamang na ipagtanggol ang senador.


Matatandaang nagsimula ang karera ni Lacson sa public service sa Philippine Military Academy hanggang sa manungkulan ito ng tatlong termino sa Senado.

Facebook Comments