Bukas sa posibilidad ng pag-iimbestiga o pagsilip si Governor Juanito Remulla sa mga operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa lalawigan ng Cavite.
Ayon kay Gov. Remulla, marapat lamang na gawin ito basta’t makipag-ugnayan lamang sa mga lokal na awtoridad tulad ng Philippine National Police (PNP) at may kaukulang warrant ay maaari nang inspeksyunin ang mga POGO sa naturang lalawigan anumang oras.
Gayon din umano ang pagtingin ni Remulla sa pagpapaimbestiga sa dating islang pag-aari ng kanilang pamilya.
Aniya, hindi na nila pag-aari ang isla at nasa ilalim na ito ng jurisdiction ng Kawit, Cavite kaya wala na sa kaniya ang desisyon sa pagpapaimbestiga rito.
Dagdag niya, matapos itong maibenta sa Filipino-Chinese businessman noong 2018 ay wala na silang anumang kinalaman sa anumang transaksyon dito.