Hindi na naitago ni Cavite Governor Jonvic Remulla ang pagkapikon sa kanyang mga kababayan na nagbabalewala sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Remulla na kung hindi na niya madadaan sa pakiusap ang mga kababayan niyang matitigas ang ulo ay magpapassklolo na lamang siya sa militar
Humingi na ng tulong ang gubernador sa Cavite Provincial Police Director para makipag-ugnayan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para ang militar na ang magpatupad ng lockdown sa kanilang lalawigan.
Makikipag-ugnayan din ang gobernador kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na gamitin na ang Philippine Army at Reservist para pairalin ang ECQ sa Cavite.
Sa ngayon, nakapagtala na ang Cavite Police Provincial Office (CPPO) ng mahigit 1,000 individuals na lumalabag sa ECQ.