
Naghain ng cyberlibel si Manila 2nd District Cong. Rolan Valeirano laban kay Cavite Rep. Kiko Barzaga sa Office of the City Prosecutors sa Maynila.
Ito’y kaugnay sa Facebook post ni Cong. Barzaga kung saan sinabi nito na tumanggap ng suhol ang mga miyembro ng National Unity Party (NUP) mula sa negosyanteng si Enrique Razon para suportahan ang speakership ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez noong 2025.
Sa pahayag ni Cong. Valeriano, hindi niya palalagpasin ang mga ginawa ng kapwa kongresista dahil nasisira ang kanilang pangalan.
Paliwanag pa ni Cong. Valeriano, wala naman nakalaban sa pagka-speakership si Cong. Martin Romualdez noong mga panahon na iyon kaya’t walang nangyaring suhulan.
Sinabi pa ni Cong. Valeriano, tila nakakalimot na si Cong. Barzaga sa responsiblidad nito sa pagiging miyembro ng House of Representatives.
Ito naman na ang ikatlong cyber libel complaint na kinakaharap ni Cong. Barzaga kung saan una na siyang inireklamo ni Razon at ni House Deputy Speaker at Antipolo City Rep. Ronaldo Puno.










