CAVRAA 2018 Handang-handa Na – Denison Domingo

Tuguegarao City- Nasa mahigit isang daang porsyento na umano ang kahandaan ng isasagawang Cagayan Valley Regional Athletic Association 2018 (CAVRAA), ito ang ibinahaging impormasyon ni Tuguegarao City Schools Division Superintendent, Denison Domingo sa RMN Cauyan News Team kanina, Pebrero 19, 2018.

Aniya, gaganapin ang CAVRAA sa Pebrero 23 hanggang Marso 1, 2018 sa pangunguna ng Tuguegarao City.

Ilan sa mga aasahan sa unang araw ng pagdiriwang ng CAVRAA bilang panimula ay ang ipinagmamalaking Pancit at Afi Festival kung saan ay ipapakita ang ipinagmamalaking kultura at tradisyon ng Tuguegaraoeños.


Susundan din ito ng iba’t ibang mga palaro na lalahukan ng mga delegado mula sa iba’t ibang bayan at lungsod sa rehiyon dos.

Ayon kay Domingo, bahagi ng paghahanda ay tiniyak na umano ng pamahalaang panglungsod ng Tuguegarao City ang seguridad ng mga dadalong bisita at mga deligado maging ang kaayusan sa magiging takbo at daloy ng trapiko.

Inaasahan ngayon na magiging masaya at ligtas na maidaraos ang CAVRAA 2018 taglay ang sportsmanship bilang tunay na diwa ng naturang pagdiriwang.

Facebook Comments