CAVRAA 2019, Isasagawa sa magkakahiwalay na lugar!

682

Cauayan City, Isabela – Isasagawa sa magkakahiwalay na lugar ang gaganaping Cagayan Valley Regional Athletic Association 2019 (CAVRAA) sa buwan ng Marso dahil hindi pa handa ang Lungsod ng Cauayan at Isabela na maging punong abala.

Ito ang ipinahayag ni ginoong Joselito Narag ng Education Support Service Division Head DepEd Region 2 sa panayam ng RMN Cauayan sa kanya sa programang straight to the point.

Ayon kay Narag, isasagawa ang mga malalaking events sa maghahahiwalay na lugar na nahati sa tatlong pangkat.

Magaganap ang unang bahagi ng mga aktibidad sa Lungsod ng Santiago, Lalawigan ng Quirino at Nueva Vizcaya na isasagawa sa Marso 1-3, 2019.

Masusundan naman sa Tuguegarao City at Cagayan na isasagawa sa Marso 5-7, 2019 habang magaganap naman ang mga ibang aktibidad sa Lungsod ng Cauayan, City of Ilagan at Isabela sa Marso 9-11, 2019.

Kaugnay nito, gaganapin ang Gymnastic, Sepak Takraw at Basketball dito sa lungsod ng Cauayan na mayroong mga pasilidad para sa nasabing palaro.

Dagdag pa ni Narag, puspusan na ang paghahanda ng mga kalahok na atleta na may kanya-kanyang istilo sa pag-eensayo at kanilang inaasahan na makamit ng rehiyon dos ang mataas na pwesto.

Samantala, gaganapin naman ang Palarong Pambansa sa Davao Del Sur sa buwan ng Abril.

Facebook Comments