CAVRAA 2020 at Iba pang Aktibidad Ngayong Pebrero, Suspendido dahil sa nCoV!

Cauayan City, Isabela- Pansamantala munang sususpindehin ang nakatakda sanang Cagayan Valley Regional Athletic Association (CAVRAA) sa Pebrero 22 hanggang 27 ngayong 2020 maging ang iba pang mga aktibidad ngayong Pebrero.

Ito ang kinumpirma ni Ms. Estella Cariño, Regional Director ng DepEd Region 2 sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa kanya.

Aniya, lahat ng mga aktibidad na lalahukan ng mga guro at studyante ngayong Pebrero ay kanselado muna at i-iskedyul na lamang sa mga susunod na buwan.


Batay sa Memorandum na ipinalabas ng DepEd, layon nito na maproteksyunan ang bawat isa laban sa kumakalat na 2019 novel Coronavirus.

Bukod dito, magbababa rin ng iba pang instruction si RD Cariño sa mga Schools Division kaugnay sa mga makakanselang aktibidades ngayong buwan.

Facebook Comments