CAVRAA 2020, Posibleng Matuloy sa Marso!

Cauayan City, Isabela- Bagamat suspendido ang lahat ng mga nakatakdang aktibidades ng DepEd ngayong Pebrero ay itutuloy pa rin ito sa mga susunod na araw.

Ayon kay Ginoong Joselito Narag, ang Regional Coordinator ng CAVRAA 2020 at pinuno ng Education Support Services Division (ESSD) Region 02, walang kinansela na anumang aktibidad kaugnay sa paghahanda sa CAVRAA na nakatakda sana sa Pebrero 22 hanggang sa 27 sa Lungsod ng Cauayan.

Ito’y sa kabila ng inilabas na Memorandum ng DepEd National na pagsuspendi sa lahat ng mga aktibidad ng DepEd ngayong Pebrero dahil sa novel Coronavirus.


Ayon pa kay Ginoong Narag, planong gawin ang CAVRAA sa March 21 hanggang 26, 2020 hanggat humupa ang isyu sa nCoV.

Kaugnay nito, pansamantala munang pinauwi at itinigil ang training ng mga naka-inhouse mula sa iba’t-ibang School’s Division sa Region 02.

Patuloy pa rin aniya ang kanilang ginagawang pagpupulong sa mga coaches at iba pang mga personnel na may kaugnayan sa preparasyon ng CAVRAA 2020.

Facebook Comments