Cayetano, dapat pa ring magtrabaho para siguradong makuha ang House Speakership

32

Malaking advantage o kalamangan para kay Congressman Alan Peter Cayetano na inendorso siya ni Pangulong Rodrigo Duterte para maunang umupo bilang House Speaker.

Pero paalala ni Pimentel, kailangan pa ring kumilos ni cayetano dahil ang endorsement ng Pangulo ay hindi naman garantiya.


Paliwanag ni Pimentel, mahalaga na makumbinsi pa rin ni Cayetano ang mga mambabatas na ihalal siya bilang House Speaker sa pagbubukas ng 18th congress sa July 22.

Samantala, binanggit din ni Pimentel na palagi ring naka-amba ang posibilidad ng kudeta sa dalawang kapulungan ng kongreso kaya importante ang dayalogo at pagsunod sa mga napagkasunduan.

Reaksyon naman ito ni Pimentel sa inilutang ni Davao City Congressman Paolo Duterte na baka pangunahan ng isa sa tatlong kandidato na pinagpilian sa pagka-speaker ang kudeta.

Facebook Comments