Hinimok ni Senator Alan Peter Cayetano ang simbahan na tugunan ang “spiritual poverty” sa lungsod ng Taguig.
Para kay Cayetano, ang pagtugon sa “spiritual poverty” ay kasinghalaga ng pagtugon sa iba pang uri ng kahirapan.
Sa kanyang pakikipag-usap sa mga lider ng simbahan at life coaches na aktibo sa Kaagapay sa Pag-unlad o KSP, hinikayat niya ang grupo na mag-isip ng mga bagong paraan upang matugunan ang iba’t ibang anyo ng kahirapan gayundin ang kakulangan ng pang-unawa, kaalaman, at karunungan.
Aniya, bilang mga pinuno ng simbahan at ng lungsod, dapat din silang maging mapagbantay laban sa corporate sins gaya ng pagsusugal, paggamit ng iligal na droga at ibang uri ng bisyo.
Ang KSP ay isang anti-poverty program na sinimulan ni Cayetano noong 2010 at muling inilunsad noong 2020.